Monday, June 24, 2013

UTOS NG PAG-IBIG

1: Huwag mong gawing sa kanya lang umiikot ang mundo mo habang kayo. Para kapag maghihiwalay man kayo ay madali mo siyang makalimutan.

2: Huwag puro siya. Magtira ka para sa sarili mo. Minsan kase mas mahal na natin sila kaysa mga sarili natin kaya nahihirapan tayong magmove-on kapag naghiwalay na kayo.

3: Huwag ka masyadong magtiwala sa kanya. Hindi naman masama na magtiwala ka sa kanya pero hindi sa puntong 100% ang tiwala mo sa kanya. Siguro sasabihin mong mali ako pero ang sa akin, kailangan mong huwag magtiwala ng lubos sa kanya.

4: Huwag mong hayaang magkaroon ng rason ang partner mo na lumamig ang pakikitungo niya sa iyo. Huwag gumawa ng mga bagay na magbibigay ng rason ang iyong partner para hiwalayan ka.

5: Huwag na huwag mo siyang lolokohin. Sige ka at baka makarma ka.

6: Maging sweet , at mag-effort ka. Para mas lumalim o mas mapapatatag ang inyong samahan at pag-iibigan.

7: Huwag seloso/selosa. Huwag kang selos nang selos lalo na kung walang rason o walang katuturan ang pagseselos.

8: Huwag kang magpamiss. Huwag kang masyadong madrama. Minsan, may mga taong ayaw na ayaw ang taong madrama o nagpapamiss. Nakakaturn-off din ito sa ibang tao.

9: Huwag na huwag kang magbitiw ng pangako kung alam mong hindi mo kayang panindigan o tuparin iyon balang araw.


10: Irespeto ang isa’t-isa. Ito ang napakaimportanteng gawin sa isang relasyon. Kailangan niyong irespeto ang isa’t-isa para mas tumibay at mas mapapatagal ang inyong relasyon.

No comments:

Post a Comment