Monday, June 24, 2013

BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL

BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL
PANANAKOP NG MGA ESPANYOL
PAGDATING NG MGA AMERIKANO



PAMUMUNO NG MGA HAPONES
PANAHON  NG REPUBLIKA




bago dumating ang espanyol, may ekonomiya na ang pilipinas. tayo ay nangaso, nangisda, nagtanim nga palay at nakipag-kalakalan na tayo sa iba pang mga bansa gaya ng tsina at Indonesia. ipinagpapalit natin ang mga pearl shells, palay, pampalasa, banga at iba pang mga 'clay' products para sa mga porselana, alahas, at iba pang mga produkto ng ibang bansa. sinasabi rin na noon, ang mga Filipino ay sadyang matapat at Hindi sila nanglalamang ng kapwa noong barter trade.
Maraming mga bagay at dahilan ang nag-udyok sa mga Europeo upang tumuklas at manakop ng mga lugar na hindi pa kristiyanado.
                    Isa sa mga dahilang ito ay ang mga krusada. Ito ang ekspidisyong ipinadala ng mga kristiyanong bansa sa Europa, sa Gitnang Silangan upang agawing muli sa mga Muslim ang “banal na lupain”. Kahit hindi nagtagumpay ang krusada sa layuning nito, nakita ng mga mandirigmang europeo ang mga kayamanan at produkto ng Silangan. Nagkaroon ng bagong panlasa at interes ang mga Europeo sa pamumuhay at mga karangyaan ng mga nakadigmang taga- Silangan. Nauso ang paggamit ng mga rekadong gaya ng cinnamon, paminta, luya at iba pa. Isang malaking negosyo ito kung matutunton ang pinanggalingan ng mga rekadong ito. Gayunpaman, monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europa ng mga bagay mula sa Silangan. Nang bumagsak noong 1453 ang Constantinople sa mga Turkong Muslim,tanging mga mangangalakal na taga-Venice lamang ang pinahintulutang makadaan sa Dagat Madeterano. Ito ay dahil ang mga taga-Venice ay pumanig sa mga Muslim sa pakikidigma nito sa mga Griyego. Ang paghahangad na was akin ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran  ang nagtulak sa mga ibang Europeo na humanap ng ibang daanan patungong silangan.
    Sa panahong ding ito umunlad ang agham at karunungan at sa mga bagong imbensyon ay kasama ang mga kagamitang sa nabigasyon gaya ng kompas, mapa at iba pang instrumentong pang giya. Nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga nabigador upang puntahan ang mga lugar na hindi pa naaabot ng mga taga kanluran.










Ang panahon ng mga Amerikano ang isa sa mga naganap na pagbabago sa Pilipino sa pagkaraan ng panahon ng mga Kastila. Isang malaking pagbabago ang ginawa ng mga Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas. Isa na dito ang pagbabago sa edukasyon. Ang edukasyon noon bago dumating ang mga Kastila o Espanyol ay kabaligtaran ng sistema sa panahon ng mga Amerikano.Dito, pinapayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap na mga Pilipino. Hindi tulad sa panahon ng mga Kastila, lahat ng mga kababaihan at mahihirap na Pilipino ay hindi pinahihintulutan na makapag-aral. Sa panahong ding ito,nabigyan din ng pagkakataon na magkaroon ng pribadong paaralan at publikong paaralan. Ngunit ang mga ito ay hindi na pag-aari ng simbahan, na nakagawian naman noon sa panahon ng Espanyol
Pamumuno ng mga Hapones (1848-1900)
Bago pa man dumating ang mga Español, o mga Kastila, ang lugar na ngayon ay Davao City ay pinamumunuan ng mga katutubong Bagobo. Ang impluwensiya ng mga Español ay hindi pa medyo naaabot sa nasabing lugar hanggang 1848, nang sinakop ni Don Jose Uyanguren ng Guipuzcoa, España, kasama ang mahigit 70 tauhan, ang lugar na pinamumunuan ni Datu Bago ng Davao. Noong nasakop ni Don Uyanguran ang pook na kinatitirikan ng kaharian ni Datu Bago, nagpagawa siya ng bayan na ang tawag ay Nueva Vergara (Davao) noong taong yaon, galing sa kanyang bayang sa España.
Nabalitaan rin na sa pamumuno ni Don Uyanguren bilang gobernador ng lalawigan ng Nueva Guipuzcoa, kung saan kabisera ang bayan ng Nueva Vergara (ang tawag ng mga Kastila sa bayan ng Dabaw simula sa pagtatag ng bayan hanggang 1867), nagkaroon ng malawakang kapayapaan sa rehiyon ng Golpo ng Dabaw, bagaman walang sumusuporta sa kanya ni isa man sa kanyang mga ka-osyoso sa Maynila sa kanyang pagsakop sa Dabaw. Sinubukan rin ng gobernador na gumawa ng mga reporma para lumago ang lugar subalit walang nangyari sa kanyang mga reporma
Masaalimoot na pangyayari ang mga naganap sa panahong ito. Sa simula’y pagtatayong muli ng nawasak na moog. Ang mga salantang nilikha ng digmaan, ang alaala ng mga nasawing mahal sa buhay, ay mga pangitaing nagpapabuntung-hininga. At para mabuhaya, ang piyer ay naging mapangako. Ang mga kabiguan ng pangarap, ang kalupitan ng nagdaang sigwa, at iba pang masasaklap na karanasan, ang namalasak sa katha.
            Ang dekad 50 ay nangako ng kasiglahan sa panulaan. Nagkaroon ng mga patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang anyo ng panitikan. Tumaas ang panlasa sa pagsulat ng mga mangangatha. Kabuntot nito ang pagtaas din ng uri ng panitik. Ito’y dahil din sa pag-g-.uukol ng masusing pag-aaral at panuuri ng mga kritiko. Nagging maingat ang paglalahad, nagging lalong makasining. Ang lahat ng ito ay utang sa mga alagad ng wika na walang puknat sa pagpapaunlad ng Wiakng Filipino. Ito’y ang KADIPAN(Kapisanang Akalt, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca na itinatag ni Don Carlos Palanca, may-ari ng La Tondeña Inkorporada

No comments:

Post a Comment